Ayon kay Sutopo Nugroho ng disaster mitigation agency ng Indonesia, tumagal ng nasa 20 segundo ang lindol na may lakas na magnitude 6.6 at lalim na 9 kilometro.
Nagdulot aniya ito ng panic sa mga residente na nagsilabasan agad sa kanilang mga tahanan at gusaling kinaroroonan.
Nanatili sa labas ang karamihan sa mga tao dahil sa aftershock, gayunman hindi naman naglabas ng tsunami warning ang pamahalaan.
Ayon naman kay Darma Lebang ng search and rescue agency ng Indonesia, walang naitalang nasawi o nasugatan sa lindol ngunit ilang mga lumang gusali sa bayan ang napinsala.
MOST READ
LATEST STORIES