Tiger Woods, arestado sa Florida dahil sa kasong DUI

Naaresto ang sikat na golfer na si Tiger Woods sa South Florida dahil sa kasong driving under the influence of alcohol or drugs.

Nahuli si Woods dakong alas-3:00 ng madaling araw malapit sa kaniyang bahay sa Jupiter Island.

Matapos ang ilang oras, pinalaya rin si Woods ng mga pulis.

Nitong Abril lamang ay sumailalim sa ika-apat na operasyon sa kaniyang likod si Woods, na hanggang ngayon ay wala pang balak magretiro mula sa paglalaro ng golf.

Read more...