Sa kabila ng bagsak na ekonomiya ng China, $950B aircraft deal tuloy – Boeing

 

inquirer file photo

Sa kabila ng sadsad na ekonomiya ng China ay umaasa ang Boeing Aircraft Manufacturing Company na magpapatuloy pa rin ang fleet expansion ng naturang bansa.

Sinabi ni Randy Tinseth, vice-president for marketing ng Boeing na target ng China ang 5-percent increase sa bilang ng kanilang mga eroplano.

Noong nakalipas na taon ay nauna nang inanunsyo ng naturang bansa na mananatili silang isa sa mga solid partner ng naturang airplane company dahil sa pagpapalakas ng kanilang aviation industry.

Ayon kay Tinseth, noong 2014 ay may 2,570 na Boeing made aircraft sa kanilang inventory ang China.

Target ng naturang bansa na paabutin ang naturang bilang sa 7,210 sa pagtatapos ng 2034 na mas mataas ng limang porsiento sa kanilang naunang forecast para sa susunod na dekada.

Kapag hindi nagkaroon ng problema sa ekonomiya ng China, tiyak na ang $950B deal sa pagitan ng Boeing at Chinese government ayon pa sa naturang aircraft executive. / Den Macaranas

 

 

Read more...