Mula sa pagtukoy sa mga opisyal at kawani ng BOC bilang mga buwaya at mangungupit sa mga ‘meme’ na lumulutang sa internet at mga social media sites, todo pang-aalaska rin ang mga Pinoy sa mga kawani ng BOC sa kanilang ina-upload na mga video.
Ilan sa mga ito ay ang pagpapakita ng mga Pinoy na nag-eempake ng mga balikbayan box habang nagbibitiw ng mga maanghang na salita sa mga magbubukas ng kanyang ipapadala sa kanyang mga kamag-anak.
Ilan naman ay ang panlalait sa mga customs personnel na magbubukas ng kanyang balikbayan box sa pamamagitan ng pagpapadala ng toothpick na gamit para umano pakinabangan ng mga magbubukas nito.
https://www.facebook.com/100009148195357/videos/vob.100009148195357/1483695635278695/?type=2&theater
Matatandaang dakong alas dos ng hapon kahapon, sa isang panayam ng mga mamamahayag sa Cebu, nanawagan ang Pangulong Aquino na pahintulutan ng publiko ang BOC na gawin ang kanilang tungkulin sa isyu ng pag-iinspeksyon ng mga balikbayan boxes.
Gayunman, pasado alas singko rin ng hapon kahapon, matapos makipagpulong kina Finance Secretary Cesar Purisima at Customs Commissioner Bert Lina, kumambyo ang Pangulo at sinabing kanya nang pinatitigil ang planong ito ng BOC.
Narito ang ilan pa sa mga video na in-upload ng mga galit na galit na mga Pilipino na nasa ibayong dagat:
https://www.youtube.com/watch?v=pms9E9dSpJI
https://www.youtube.com/watch?v=CnxJZkx2zbI
https://www.youtube.com/watch?v=HnzOPmczG2I
Marami pang mga video at ‘meme’ ang kumalat sa mga social media sites dahil sa naunsyaming plano ng BOC./ Jay Dones