Drilon pumalag sa muling pagsabit ng kanyang pangalan sa pork barrel scam

Inquirer photo

Walang nakikitang ibang motibo si Sen. Franklin Drilon kung hindi paghihiganti sa kanya at iba pang target ng Duterte administration sa paulit-ulit na pagdadawit sa kanyang pangalan sa usapin ng pork barrel scam.

Ayon kay Drilon, malinaw na puntirya ng Duterte administration bukod sa kanya ay sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Budget Secretary Florencio Abad, Senator Sonny Trillanes at ang nakakulong na si Sen. Leila De Lima.

Pagdidiin ni Drilon, isa umanong hayagang black propaganda at political harassment ang ginagawa ng Duterte administration na naglalayon na patahimikin ang mga miyembro ng oposisyon.

Muling nabanggit sa panayam kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang pangalan nina Drilon na umanoy sangkot din sa anomalya may kinalaman sa PDAF sa pamamagitan ng diumano’y PDAF scam queen Janet Lim Napoles.

Sinabi ni Aguirre na galing ang nasabing impormasyon mula kay Atty. Stephen David na siyang abogado ni Napoels.

Read more...