Ito ang nilinaw ng Malacañang sa kabila ng mga natatanggap na kritiko ng pagdedeklara ng pangulo ng Batas Militar sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, papakinggan ng pangulo ang Supreme Court at Kongreso, pero bilang Commander in Chief, karapatan nito na gumawa ng mga desisyon.
Tiniyak ni Abella na bukas si Pangulong Duterte sa pakikinig.
Wala aniyang intensyon ang pangulo na i-bypass ang Mataas na Hukuman o ang legislatura.
Dagdag ni Abella, ang ibig sabihin lamang ng naging pahayag ni Pangulong Duterte noong nakaraang Sabado ay ang totoong may kaalaman sa sitwasyon sa Marawi City ay ang militar at pulisya kaya’t sila ang kanyang pakikinggan.