North Korea, nagpakawala ng unidentified projectile mula sa Wonsan region

(AP File Photo/Vincent Yu)

Nagpakawala ang North Korea ng isang unidentified projectile mula sa Wonsan region patungo sa direksyong silangan.

Ito ang inanunsiyo ng South Korean military kasunod ng serye ng missile launch test na isinagawa ng North Korea sa mga nagdaang linggo.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Joint Chiefs of Staff ng South Korea, nakasaad na agad na nagpatawag si President Moon Jae-in ng pulong sa National Security Council matapos mapag-alaman ang pinakabagong hakbang ng NoKor.

Ayon naman sa Yonhap news agency, batay sa kanilang hindi pinangalanang source, tila kapareho ng isang ballistic missile ang pinakawalang projectile ng North Korea.

Posible aniyang bumagsak ang naturang projectile sa exclusive economic zone ng Japan.

Huling nagsagawa ng ballistic missile test ang NoKor noong nakaraang May 21, at kahapon lamang, araw ng Linggo, at pinangunahan pa mismo ni North Korean leader Kim Jong Un ang paglunsad ng bagong anti-aircraft weapon system.

Read more...