Duterte: PNP at AFP lang ang makakapagsabi kung hanggang kailan ang martial law

Tanging ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) lang ang makapagsasabi kay Pangulong Rodrigo Duterte kung dapat na bang tapusin ang implementasyon ng martial law.

Ito ang bahagi ng talumpati ng pangulo nitong Sabado sa Jolo, Sulu bilang reaksyon sa ilang panig na nagbabalak na kuwestyunin sa Korte Suprema ang martial law na kanyang ibinaba sa Mindanao.

“Until the police and the armed forces say the Philippines is safe, this martial law will continue. I will not listen to others. The Supreme Court, Congress, they are not here,” mensahe ng pangulo.

Ayon sa pangulo, sakali mang kontrahin ng Kongreso o maging ng Korte Suprema ang implementasyon ng martial law sa Mindanao, hindi niya ito susundin.

Giit ng pangulo, hindi ang mga kinatawan sa Kongreso o maging sa Kataas-taasang Hukuman ang naninirahan at apektado sa panggugulo ng Maute group sa Mindanao.

Hindi rin aniya ang mga ito ang nalalagasan ng tao sa nangyayaring opensiba sa Marawi City.

At dahil dito, magpapatuloy ang martial law sa Mindanao at handa siyang balewalain ang mga reaksyon ng ibang tao ukol sa legalidad nito.

Read more...