Bagamat, nagsilikas na ang nasa 200,000 residente ng Marawi City nitong mga nakalipas na araw, may ilan pang naiipit sa mismong lugar na hawak ngayon ng armadong grupo.
Ayon kay Zia Alonto Adiong, tapagsalita ng provincial crisis mangament committee ng Lanao Del Sur, marami sa mga residente ang humihiling na ma-rescue sa pamamagitan ng text at tawag ngunit sadyang hindi pa mapasok ng panig ng gobyerno ang kanilang mga kinalulugaran.
May ilan rin aniya ang halos maubusan na ng makakain dahil sa ilang araw na pagkabigo na makalabas sa kanilang mga tahanan sa pangambang madamay sa bakbakan.
Kahapon, nagpatuloy ang air strike sa mga lugar na pinagkukutaan ng mga teroristang grupo.