Paliwanag nila, isa ito sa mga hakbang ng pamahalaan kaugnay ng deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao.
Nilinaw naman nila na wala itong kaugnayan sa anumang partikular na banta ng terorismo sa Metro Manila.
Nakasaad rin dito na isang unit na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinadala sa Quezon City upang tulungan ang PNP sa mga security operations.
Tutulong ang mga ito sa pagsasagawa ng random checkpoints, pagpapatrulya at pati na rin sa pagpapaigting ng police visibility operations.
Hindi pa naman kinukumpirma ng AFP ang nasabing deployment.
MOST READ
LATEST STORIES