CHR, kinondena ang rape joke ni Pang. Duterte

CHR Logo“Rape is never a joke”

Ito ang naging pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) sa rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bisitahin ang mga sugatang sundalo sa Iligan City.

Sa pahayag ng CHR, hindi katawa-tawa na isangkot ang mga kababaihan lalo na ang mahihirap at nagdudusa sa patuloy na gyera sa Marawi City.

Kinondena rin ng grupong Karapatan ang naturang biro kasunod ng anila’y “countless incidents of rape” noong ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa bansa.

Maliban dito, hindi rin aprubado ang Gabriela Women’s group at ilang senador sa naturang rape joke.

Ayon sa CHR, ipagpapatuloy nila ang pagtutok sa implementasyon ng batas militar ng administrasyong Duterte sa Mindanao.

Hinikayat rin ng komisyon na pwersa ng gobyerno na maging tapat sa responsilidad bilang taga-protekta sa karapatang-pantao.

Read more...