Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inabandona ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan kasama ang komunistang grupo dahil sa pinakahuling anunsyo ng CPP na paiigtingin niyo ang pag-atake kontra gobyerno dahil sa deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Pahayag ni Abella, “The Duterte administration would rather pursue the path of genuine dialogue to build a nation worthy of its citizens.”
Noong Biyernes, sinabi ni NDFP chief political consultant Jose Maria Sison na inirekomenda nito sa National Executive Committee ng partido na paigting ang opensiba ng NPA bilang tugon sa pahayag ni Defense Secretary Defin Lorenzana na NPA ang target ng Martial Law.
Nilinaw naman ni Lorenzana na hindi NPA ang target ng Martial Law, ngunit nagbabala ito sa grupo na huwag nang palalain pa ang gulo sa Mindanao.
Isinailalim ni Duterte ang Martial Law sa Mindanao makaraang lusubin ng Maute terror group ang Marawi City.
Nakatada sana ngayong araw ang ikalimang round peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDFP sa Noordwijk sa The Netherlands.