Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kanselahin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunistang rebelde.
Ayon kay Zarate, hindi ito ang panahon para abandonahin ang mga una ng napag-usapan sa mga naunang round ng peace talks.
Binigyang diin ng mambabatas ang sinasabing mas papaigting ng opensiba ng New People’s Army (NPA) ay siyang dapat maging rason para magpatuloy ang usapang pangkapayaan.
Giit pa ni Zarate, sa kawalan ng mga mekanismo sa napagkasunduang joint interim ceasefire sa gitna ng pagpapatuloy ng counter-insurgency operations ng militar ay tuluyang mangyayari ang pagpapaigting ng opensiba ng NPA.
Isasagawa sana ngayong araw ang ikalimang round ng peace talks sa Noordwijk, Netherlands.