NLEX, panalo sa dalawang huling laro nito sa 2017 PBA Commissioner’s Cup

NLEX-ROAD-WARRIORS-LOGOTinalo ng NLEX ang Phoenix sa score na 116-114 kahapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo, Rizal.

Pinangunahan ni Alex Mallari ang Road Warriors na nakapagtala ng 22 points, 9 rebounds at 5 assists.

Ayon kay NLEX Head Coach Yeng Guiao, na nais nilang mag-iwan ng magandang last impression sa naturang conference.

Ito ang pangalawang sunod ng panalo ng koponan matapos din nitong talunin ang Alaska Aces sa score na 100-92 noong Miyerkules.

Una nito, bigo ang NLEX sa nauna nitong siyam na laban sa conference.

Read more...