Paolo Ballesteros, nag-transform bilang Wonder Woman

paolo ballesterosNag-transform ang “King of Makeup Transformations” na si Paolo Ballesteros bilang Wonder Woman sa kanyang pinakabagong make-up transformation.

Sa post ni Paolo sa kanyang Instagram, kanyang ginaya si Wonder Woman na ginaganapan ng Israeli actress na si Gal Gadot.

Bukod sa make-up ay sinamahan pa ni Paolo ang kanyang transformation ng tiara at wrist cuffs ng naturang karakter.

Ito na ang pangalawang beses na gayahin ni Paolo ang nasabing aktres na noon ay gumaganap rin sa prehong karakter sa pelikulang “Batman vs Superman: Dawn of Justice” noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, kasama din sa nasabing pelikula sina Chris Pine at Robin Wright na ipapalabas sa Pilipinas sa darating na June 1.

Read more...