Binalaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang New People’s Army na huwag nang dumagdag pa sa gulo sa Mindanao.
Nilinaw ni Lorenzana na ipinatupad ang martial law sa rehiyon hindi para targetin ang New People’s Army ngunit iginiit niya aaksyunan ng gobyerno ang krimen na gagawin ng komunistang grupo gaya ng kidnapping, extortion at paninira ng mga ari-arian.
Nakiusap si Lorenzana na huwag nang palalain pa ang sitwasyon sa Mindanao at itigil na lahat ng iligal na gawain at sumunod na lamang sa tunay na diwa ng kapayapaan.
Siniguro naman ni Lorenzana na lahat ng operasyon ng militar nang naaayon sa batas at may pagrespeto sa buhay ng tao kaya hindi dapat matakot ang mga residente sa rehiyon sa karagdagang presensya ng militar.
Nauna nang sinabi ng pamunuan ng CPP-NPA na maglulunsad sila ng pag-atake sa mga vital installations ng pamahalaan kasunod ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao.