Sunud-sunod na airstrikes sa Marawi City ibinabala ng AFP

marawi chopper
Inquirer photo

Magpapatuloy pa rin ang airstrikes at iba pang operasyon ng militar sa Marawi City sa kabila ng pag-aayuno ng mga Muslim ngayong Ramadan.

Ayon sa hepe ng Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., tinatarget ng precision attack ng kanilang mga air assests ang mga lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga miyembro ng Maute terror group.

Sa kabila nito, nilinaw ni Galvez na nakikiisa ang Westmincom sa pag-obserba ng mga Muslim sa Ramadan.

Kasabay nito, tinuligsa rin niya ang mga terorista na nagiging balakid para mataimtim na makapag-ayuno ang mga Muslim dahil sa patuloy na pag-okupa ng mga ito ng mga struktura sa Marawi City.

Ayon kay Galvez, apektado rin ang Ramadan break ng mga Muslim na tropa ng militar na patuloy na nilalabanan ang mga pag-atake sa lungsod.

Pinayuhan rin ng militar ang publiko pati na ang mga miyembro ng media na umiwas munang pumunta sa ilang partikular na mga lugar sa Marawi City dahil nakakalat pa rin ang mga snipers ng bandidong grupo.

Read more...