DND: Hindi aabutin ng 60 days ang martial law sa Mindanao

LorenzanaTiwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi aabutin ng anim napung araw ay mareresolba ang gulo  sa Marawi City.

Sinabi ito ng kalihim kasunod ng pagbisita niya sa second Mechanized Brigade sa Iligan City kahapon.

Ayon kay Lorenzana,  maaaring sa loob ng mahigit isang linggo lang ay matapos na ang panggugulo ng Maute group sa nasabing lungsod.

Maging si Armed Forces Chief of Staff General Eduardo Año ay naniniwalang hindi tatagal ng animnapung araw ang problema.

Katunayan,  sinabi ni Año na bago pa man matapos ang 60 days ay maaaring itigil na nila ang military rule sa Mindanao.

Read more...