Hindi nakapalag ang isang Filipino-Chinese nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Office of the National Narcotics Control Commission ng China ang dalawang warehouse sa 5510 de Castro Subdivision, Paso de Blas at Brgy. Ugong sa Valenzeula City.
Sa unang operasyon, timbog si Fidel Anoche Dee at nakuha sa kanyang warehouse ang limang daan at apat na kilo ng shabu.
Sa pangalawang operasyon sa Barangay Ugong, nakuha naman ang isang daang kilo ng Shabu.
Sa kabuuan, aabot sa mahigit sa P3 Billion na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine at Chinese authorities.
Pinaghahanap naman ngayon ng otoridad ang dalawang kasamahan ni Dee na mga Taiwanese nationals na nakilalang sina Jhu Ming-Jyun at Chen Min.
Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapena nakikipag ugnayan na ang kanilang hanay sa Bureau of Immigration para hilingin na magpalabas ng Hold Departure Order laban sa dalawang Taiwanese nationals.
Kakasuhan ang tatlo ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ayon kay LapeƱa, ang pagkakadiskubre ng warehouse ng shabu sa Valenzuela City ay bunga na rin ng palitan bg impormasyon sa pagitan ng Pilipinas at China matapos ang state visit kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing.