FVR, suportado ang martial law sa Mindanao pero..

FVR PRESSCONNaniniwala si dating Pangulong Fidel Ramos na tama lamang ang deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte

Gayunman, ayon sa dating pangulo dapat ay hindi sa buong Mindanao ang martial law.

Inihalimbawa nito ang martial law declaration ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Maguindanao na sa isang lalawigan lamang.

umaasa naman ang dating military top official at pangulo na hindi na tatagal ang batas militar at matatapos ito bago ang ika-60 araw.

Iginiit nito na kung ikukumpara sa batas militar ni dating panguling Ferdinand Marcos mas maganda ang martial law ngayon dahil sa 1987 Constitution.

Nanawagan naman ang dating pangulo sa mga opisyales ng pamahalaan na huwag hayaang lumabas ng Mindanao ang kaguluhan.

Dapat din ayon dito na hindi dapat pag-usapan ang paglawak ng sakop ng martial law sa ibang panig ng bansa bagkus kailangang palakasin ang morale ng mga mamayan.

Nanawagan din ito sa pamahalaan na magkaroon ng strict measure upang hindi maabuso ang karapatang pantao sa Mindanao.

Sa huli sinabi ni Ramos na hindi niya pinagsisisihan ang pagsuporta kay Pangulong Duterte.

Read more...