Ito ang apela ni Liberal Party President at Senador Francis Pangilinan sa mga kapwa niya mambabatas.
Hirit ni pangilinan, gawin ito sa close door o idaan sa executive session para hindi makompromiso ang patuloy na operasyon sa Marawi at ang kaligtasan ng mga sundalo doon.
Ani pangilinan, dapat malinawan kung sino talaga ang tutumbukin ng suspensiyon ng Privilege of the Writ of Habeas Corpus.
Pagdidiin pa ni Pangilinan, hindi katanggap-tanggap ang pahayag ng ilang mambabatas na kailangan lamang nang joint session para i-revoke ang Martial Law na magbabalik sa karapatan ng mga mamamayan habang hinahayaang walang opisyal na talakayan sa pagsiil ng karapatan ng mamamayan.