Loose firearms na pag-aari ng mga residente sa Mindanao region, pinapa-surrender na ng AFP

Marawi8Hinimok ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang mga residente sa Mindanao region na may hawak na loose firearms o ang mga hindi lisensyadong baril na isuko na ang mga ito sa otoridad.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na siya ring tagapagsalita ng implementation ng martial law sa Mindanao, kung hindi man isusuko ang mga loose firearms, gumawa na ng inisyatibo na gawing legal o ikuha ng permit ang kani-kanilang armas.

Dagdag ni Padilla, ito ay para hindi na maabala ang mga residente ngayong nasa martial law ang Mindanao region.

Kasabay nito, humihingi ng pang-unawa ang AFP sa publiko sa abalang dulot ng kaguluhan sa Marawi City.

Read more...