Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, kabilang sa mga nasawi ang Malaysian, Singaporean, Indonesian at iba pa.
Patunay ito ayon kay Padilla na matagal nang may presensya sa bansa ang mga dayuhang terorista kung saan tinutulungan ang Maute group at iba pang local terrorist group.
Binibigyan aniya ng pagsasanay ng mga dayuhang terorista ang mga lokal na terrorista ng pagsasanay sa paggawa ng bomba at iba pang skills.
Sa ngayon aniya tuloy ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa mga bansang pinanggalingan ng mga dayuhang terorista at hinihimok na makipagtulungan para tuluyang matuldukan ang terorismo.