Inirekomenda ng Task Force Zamboanga kay Mayor Beng Climaco ang naturang kautusan ayon sa isang public advisory mula sa local government.
Ayon kay Colonel Leonen Nicolas, commander ng Task Force Zamboanga, na walang magbabago sa kanilang security procedures lalo na sa mga security checkpoints.
Asahan na rin ng publiko ang mas mahigpit na inspeksiyon.
Hinigpitan ang seguridad sa lungsod kasunod ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao noong Martes.
Kaugnay nito, suportado ni Climaco ang deklarasyon ng batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kasalukuyan wala pa namang curfew na ipinapatupad pero may ilang barangay na ang nag-iisip na magpatupad sa kanilang mga lugar.