Joma Sison, kinundena ang pahayag na target ng martial law ang NPA

joma sisonKinundena ni Jose Maria Sison, Chief Politcal Consultant ng National Democractic Front of the Philippines (NDP) ang naiulat na pahayag ni DND Secretary Delfin Lorenzana na target din ng martial law sa MIndanao ang New People’s Army (NPA).

Ayon kay Sison, kinumpirma ng GRP na hindi target ang NPA.

Aniya sinabi pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay NDFP Chief Negotiator Fidel Agcaoili sa kanilang pagpupulong kamakailan lang na dapat magtulungan ang GRP at NDFP laban sa mga teroristang grupo tulad ng Maute at Abu Sayyaf.

Dagdag pa niya, na kaisa ng gobyerno ng NDFP sa paglaban sa mga teroristang grupo.

Kanila ding kinukundena ang pag-atake ng Maute group sa Marawi City.

Kaugnay nito, umaasa si Sison na hindi makaapekto ang kaguluhan sa Marawi sa ikalimang round ng peace talks.

Aniya dapat itong maging insentibo para sa dalawang panig na magpulong at magkasundo na labanan ang mga terorista.

Inirekomenda na ng NDFP Negotiating Panel sa National Executive Committee ng NDFP at sa Central Committee sa CPP na irekunsidera ang utos sa NPA na pagpapaigting ng opensiba nito bilang tugon sa naging pahayag ni Lorenzana na ang NPA ay target ng martial law.

Read more...