Sinabi ni Hataman na sinisira nito ang ‘diverse community’ ng Islamic City ng bansa na nagsisilbing tahanan ng mga taong mula sa iba’t ibang kasaysayan at paniniwala.
Giit ni Hataman, sinumang naghahasik ng terorismo na nagsasabing ginagawa ito sa ngalan ng Islam ay dapat na mahiya.
Tinawag din niyang halimaw ang sinumang nagsasabing may ipinaglalaban pero naghahasik ng karahasan ilang araw bago ang banal na buwan ng Ramadan.
Dagdag ni Hataman, walang salitang makakapagpahayag ng emosyon ng mga tagarehiyon sa gitna na ng takot at galit na kanilang nararamdaman.
Patuloy pa rin ang pagsagupa ng militar sa Maute terror group sa Marawi City mula nang salakayin nito ang lungsod noong Martes.
Ilang gusali na ang nasunog sa lugar, kabilang ang Dansalan College at Marawi City jail sa kasagsagan ng paglusob ng Maute sa lugar.