Ayon kay Aggabao, bigatin ang mga senatorial bet ng Poe-Escudero tandem.
Gaya aniya ng naunang pahayag, tiniyak ni Aggabao na susuportahan ng NPC ang mga plano nina Poe at Escudero sa halalan, kahit pa ang kanilang partido ay coalition partner ng Liberal party o LP.
Batay sa impormasyon, kabilang sa mga ikinakasang kandidato sa pagka-senador ng NPC ay sina Senador Bongbong Marcos, Tito Sotto at Ralph Recto; TESDA Director General Joel Villanueva, dating Senador Panfilo Lacson, Manila Vice Mayor Isko Moreno, at dating Energy Secretary Jericho Petilla.
Posible ring mapasama sa line-up sina Representatives Martin Romualdez, Mark Villar, Sherwin Gatchalian, Lino Cayetano at Manny Pacquiao.
Nilinaw naman ni Aggabao na wala pang pinal na senatorial slate ang NPC, at maaari rin daw na may madagdag o malaglag. “Some names mentioned are included in the slate. But let me add that the list is by no means final. Some names may still be added, and others dropped,” ayon ka Aggabao./ Isa Avendaño-Umali