China, nagpadala ng mga barko sa Spratlys para itaboy ang US warship

US WARSHIP FILENagpadala ang China ng mga barko sa Spratly Islands para sabihan ang US Navy warship na umalis sa naturang karagatan.

Mariing kinondenda ng Beijing ang Washington dahil sa paglayag ng barko ng US sa Nansha Islands na wala umanong pahintulot.

Nagbabala ang China na ang naturang aksyon ng US ay pwedeng makasira sa peace at stabilitiy sa South China Sea.

Una nang kinumpirma ng US Navy ang paglayag ng USS Dewey sa 12 nautical miles mula sa Mishcief reef na bahagi ng Spratlys.

Ayon sa mga eksperto, ang naturang hakbang ay nagpapakita na nais ng militar ng Amerika na maramdaman pa rin ang kanilang presensya sa rehiyon.

Dahil dito ay ipinadala ng China ang mga guided-missile na barko nila na Liuzhou at Luzhou para itaboy ang US warship.

Iginiit ng Beijing ang kanilang soberanya sa Nansha Islands at sa nakapaligid na karagatan.

Read more...