Martial Law ni Duterte, hindi dapat sa buong Mindanao ayon kay FVR

FVR PRESSCONNaniniwala si dating Pangulong Fidel V. Ramos na tama lamang ang deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte

Gayunman, ayon sa dating pangulo dapat ay hindi sa buong Mindanao ang Martial Law.

Inihalimbawa nito ang Martial Law declaration ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Maguindanao na sa isang lalawigan lamang.

Umaasa naman ang dating military top official at pangulo na hindi na tatagal ang batas militar.

Iginiit nito na kung ikukumpara sa batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, mas maganda sana ang martial law ngayon dahil sa 1987 Constitution.

Sa tanong naman kung nagsisisi na ito sa pagsuporta kay Duterte, ayon sa dating pangulo tama lamang ang kanyang ginawang pagsuporta at paghikayat dito para tumakbo.

Read more...