Sa pahayag ng White House, nangako ito na patuloy silang magbibigay ng suporta at tulong sa Pilipinas para labanan ang terorismo.
Dagdag pa dito, ang U-S ay isang “proud ally” ng Pilipinas, at patuloy silang makikipagtulungan para masupil ang banta sa kapayapaan at seguridad sa bansa.
Una nang naglabas ang U-S ng paalala ng pag-iingat sa kanilang mga mamamayan na nandito sa bansa tungkol sa sitwasyon sa Marawi.
Inalerto nito ang kanilang mga kababayan sa Pilipinas na mag-ingat at umiwas sa matataong lugar.
MOST READ
LATEST STORIES