Ito ang inihayag ng isang top diplomat ng Russia kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa kanilang bilateral meeting.
Ayon kay Russian foreign minister Sergey Lavrov, ang naging pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Moscow ay nakatulong sa pagpapatatag ng ugnayan ng Pilipinas at Russia.
Bukod dito, nagpahayag din ng kahandaan sa pagtulong ang Russia sa paglansag ng drug trafficking sa Pilipinas.
Pinutol ni Pangulong Duterte ang kanyang official visit sa Russia dahil sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City, pero naiwan sa Moscow si Cayetano para ipagpatuloy ang pagkasa ng mga kasunduan.