PNP sa NPA: Huwag niyo nang palubhain ang sitwasyon sa Mindanao

 

Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa New People’s Army (NPA) na huwag nang palalain  pa ang sitwasyon sa Mindanao.

Ito’y matapos ipag-utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa NPA na magsagawa ng mas marami pang mga pag-atake sa Mindanao bilang pag-protesta laban sa proklamasyon ng martial law.

Sa kaniyang pahayag, nakiusap si PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Catlos na bilang mga Pilipino, huwag nang palakihin pa ang sitwasyon sa Marawi, bagkus ay tulungan na lamang ang bansa.

Aniya pa, kapwa Pilipino naman ang mga miymbro ng NPA, kaya dapat ay naisin na lamang ang ikabubuti ng taumbayan.

Una nang binanatan ng CPP si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagdedeklara ng martial law, at sinabing inuutusan nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng mas marami pang pang-aabuso.

Tiniyak naman ng PNP na hindi nila kukunsintihin at hahayaan ang anumang pangaabuso sa martial law ngayon.

 

Read more...