Ayon kay Capt. Jo-ann Petinglay ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command, hinahabol ng mga sundalo ng 10th Infantry Battalion ang grupo na pinaniniwalaang may hawak na mga bihag.
Aniya, namataan ang grupo ng nasa 10 hanggang 15 na kalalakihan na may kasamang mga bihag.
Sinubukan aniyang sundan ng mga sundalo ang mga bandido, nang bigla silang tambangan ng mga ito alas-5:20 ng madaling araw kahapon, sa Brgy. Tado Bagua sa Patikul, Sulu.
Tumagal ng hanggang 20 minuto ang bakbakan na ikinasugat ng 11 sundalo.
Gayunman, sa kasamaang palad ay nasawi ang isa sa kanila habang ginagamot.