1 US national, 5 Pinoy, arestado sa buy-bust sa Olongapo

 

Arestado ang isang Amerikano at limang Pilipino sa isang drug buy-bust operation kahapon sa Olongapo City.

Ayon kay Senior Supt. Melchor Cabalza III na acting chief ng Olongapo City Police Office, nakilala ang dayuhang suspak na si Henry Brodie na may kasamang dalawang Pilipino.

Nahuli ang tatlo na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang police undercover agent sa Brgy. Barretto.

Tatlong iba pang suspek ang dinampot din ng mga pulis matapos maaktuhan namang humihithit ng shabu sa isang hinihinalang durg den sa parehong barangay.

Nasabat mula sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at marked money na ginamit sa transaksyon.

Ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Read more...