PNP itinangging pasimuno ang gobyerno sa Marawi siege

 

Mariing itinanggi ng pamunuan ng Philippine National Police na ang  gobyerno ang may pasimuno ng kaguluhan sa Marawi City upang mabigyan ng pagkakataon si Pangulong Duterte na magdeklara ng martial law.

Giit ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, walang katotohanan ang mga naturang impormasyon na kumalat sa social media.

Wala aniyang mapapala ang pamahalaan kung gagawin ito.

Hamon pa ni Carlos sa mga nag-aakusa na kagagawan ng gobyerno ang Marawi siege ay maglabas ng ebidensya na makapagpapatunay dito.

Nanawagan naman si Carlos sa taumbayan na sa halip na magisip ng mga spekulasyon ay dapat nang magkaisa upang mailagay sa maayos ang sitwasyon sa bansa.

Read more...