Aguirre: Idaan sa SC ang kuwestyon sa martial law

 

Pinayuhan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang lahat ng kontra sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao na magsumbong sa Korte Suprema.

Sa harap ito ng pagkuwestiyon ng ilang grupo kabilang ang militanteng grupo at oposisyon  at panawagan para sa pagbawi dito.

Ayon kay Aguirre, anumang kuwestiyon sa ligalidad ng Proclamation 216 ay dapat na iparating sa Kataas-taasang Hukuman.

Una nang idinepensa ni Aguirre ang deklarasyon ng pangulo kasabay ng pagsasabing dapat pagkalooban si Pangulong Duterte ng tinatawag na presumption of regularity.

Sinabi ni Aguirre na ‘entitled’ si pangulo sa presumption na ginagawa lamang nito ang regular na trabaho ng kanyang tanggapan.

Ayon sa 1987 Constitution, sakaling may magsampa ng kaso sa Korte Suprema laban sa deklarasyon ng batas militar, mayroong 30 araw ang mga Mahistrado para ito ay resolbahin.

Read more...