UPDATE: Magnitude 5.4 na lindol yumanig sa Zambales, naramdaman hanggang Metro Manila

 

Mula sa Phivolcs

UPDATE: Isang magnitude 5.4 na lindol ang yumanig sa Central Luzon na naramdaman hanggang sa Metro Manila at Southern Luzon nitong Huwebes ng gabi.

Una nang iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na magnitude 5.5 ang lindol ngunit ibinaba ito sa magnitude 5.4 ng ahensya kalaunan.

Naitala ang episentro ng lindol 12 kilometro sa silangang bahagi ng San Marcelino, Zambales dakong alas 10:27 ng gabi.

Dahil sa lakas ng lindol, maraming mga netizens sa Metro Manila, Bulacan, Zambales at iba pang lugar sa Central Luzon at NCR ang nakaranas ng pagyanig.

Marami rin ang nagsabing nagmistulang isang malakas ng ‘jolt’ o tulak ang inisyal nilang naramdaman na sinundan ng paggalaw ng lupa.

Narito ang mga naitalang intensity sa inyong mga lugar:

Intensity IV – Quezon City; Pateros; Malolos, Bulacan

Intensity III – Tagaytay City; Talisay Batangas; San Jose Del Monte, Bulacan; Pasay City; Makati
City; Mandaluyong; Manila City; Paranaque City; Taguig City; San Miguel, Tarlac; Marilao,
Bulacan

Intensity II   – Palayan City; Bacoor, Cavite; San Jacinto, Pangasinan

Instrumental Intensities:

Intensity IV –  Quezon City; Marikina City
Intensity III –  Talisay, Batangas; Palayan City; Batangas City
Intensity II –     Magalang, Pampanga
Intensity I –      Sinait, Ilocos Sur

Wala namang inilabas na tsunami warning ang ahensya na maiuugnay sa nakalipas na pagyanig.

Read more...