Makabayan bloc, iniisip nang kumalas sa Duterte admin

 

Pinag-iisipan na ngayon ng Makabayan bloc sa Kamara sa kumalas bilang kaalyado ng Administrasyong Duterte.

Sa isang pulong balitaan sinabi ng mga kinatawan ng ACT Teachers, Kabataan, Gabriela, Anakpawis at Bayan Muna na dahil sa deklarasyon ng batas militar sa Mindanao, pinag aaralan nila na talikuran ang kanilang alyansa sa pangulo.

Iginiit ni Tinio na mahirap palagpasin ang hakbang ng pangulo dahil sa pagmamalabis na nito.

Ayon naman kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, aantabayanan na lamang nila ang magiging resulta ng fifth round ng peace talks ng gobyerno at CPP NPA NDF dahil magiging malaking isyu raw ang martial law sa Mindanao.

Nauna ng inihayag ng Makabayan Bloc na kukwestyunin nila sa Plenaryo ng Kamara ang batas militar sa Mindanao.

Read more...