Kagawad, patay sa pamamaril sa Maynila

Ruel
Kuha ni Ruel Perez

Patay sa pamamaril ang isang Barangay kagawad ng Barangay 47 sa Moriones, Tondo Maynila, kaninang umaga, Martes, August 25.

Ang biktima na kinilalang si Salvador Legazpi na isa ring retiradong pulis ay binaril habang minamaneho ang Nissan Urvan na may plakang ZNT 843 sa kanto ng Road 10 at Moriones Street.

Si Legazpi ay dating nakatalaga sa station 2 ng Manila Police District (MPD) at ngayon ay aktibong kagawad ng barangay.

Sa insiyal na imbestigasyon, limang lalaki ang posibleng suspek sa pamamaril kay Salvador.

Sumakay umano sa van na ipinapasada ni Salvador ang limang kalalakihan at bago sumapit sa kanto ng Road 10, pumara ang isa sa mga suspek dahil mayroon daw siyang nakalimutan.

Pagbaba ng suspek ay dumeretso ito sa driver side at saka pinaputukan ang biktima ng malapitan.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo si Legazpi. Pinag-aaralan na ngayon ng mga tauhan ng MPD ang kuha ng CCTV sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril.

Hindi pa rin matukoy kung ano ang motibo sa pagpatay kay Legazpi./Ruel Perez

Read more...