Sa kabila nang umiigting na tensyon sa Marawi City at ilang bahagi ng Mindanao, tiniyak ng Department of Education na tuloy ang pagbubukas ng mga klase sa darating na Hunyo 5.
Nabatid na cabinet meeting, iniulat ni Education Sec. Leonor Briones na walang paaralan ang ginagamit at gagamiting evacuation center.
Aniya sa mismong lungsod ng Marawi, ang provincial capitol at Mindanao State University ang gagamitin evacuation centers.
Kasabay nito ang paalala ng kagawaran sa lahat ng sektor na tiyakin na mananatiling neutral at zones of peace.
Nanawagan din ang DepEd na hindi dapat idamay ang mga estudyante, guro at school personnel sa karahasan at anumang uri ng pagbabanta.
MOST READ
LATEST STORIES