Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi makakaapekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang Batas Militar.
Paliwanag ni Dominguez, ang pinaigting na seguridad pa nga ang titiyak na ligtas ang mga negosyo at imprastraktura.
Ang Martial Law aniya sa Mindanao ay makakatulong para mawakasan ang karahasan at maibalik agad ang normal na pamumuhay ng mga residente para hindi maapektuhan ang ekonomiya.
Dagdag ng kalihim, ang Batas Militar na iiral sa limitadong panahon ay layon na protektahan ang daloy ng kalakalan, matiyak ang kaligtasan ng mga inosente at matanggal ang banta sa komunidad sa hinaharap.
Sa huling tala ay lumago ng 6.4 percent ang gross domestic product ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2017.