Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, mas pinag-ibayo nila ngayon ang koordinasyon ng airport police department at aviation security group at iba pang law enforcement group para matyagan ang seguridad sa apat na terminal sa NAIA.
Sa katunayan ay nakaalerto na kaagad ang mga otoridad sa pagpasok pa lamang ng mga pasahero sa NAIA at ang X-ray machines sa bukana ng paliparan ay siniguro nilang gumagana ng maayos.
Ito ay maliban pa sa pagtitiyak na gumagana ang mga CCTV camera sa paligid, loob at labas ng paliparan para hindi sila malusutan ng mga masasamang loob.
Una nang sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines na normal pa rin ang operasyon sa lahat ng paliparan sa bansa.
Gayunman, inabisuhan pa rin ng CAAP ang publiko na manatiling alerto at ligtas.