Ngayong umaga ng Huwebes ay muling nagpatuloy ang sagupaan sa pagitan ng armadong grupo at tropa ng gobyerno sa Marawi City.
Isang residente sa Marawi City na nakilalang si Maki Panandigan ang tumawag sa Philippine Daily Inquirer kaninang 9:45 ng umaga para ipabatid na muling nagsimula ang bakbakan sa lungsod.
Ayon kay Panandigan, may nakita siyang usok na tila senyales na mayroon na namang sunog sa lugar.
Muling nagsimula ang bakbakan isang araw matapos ipatupad ang mass evacuation sa mga residente sa malapit na mga bayan sa Lanao del Sur at Iligan City.
Dahil sa nangyayari sa Marawi City, napilitan magdeklara ng Martial Law si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES