Human rights group, nagprotesta vs. martial law sa Mindanao

 

Idinaan sa kilos protesta ng ilang mga grupo ang kanilang pagkadismaya sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Giit ng grupong iDefend, o In Defense of Human Rights and Dignity Movement, hindi malulutas ng martial law ang kaguluhan sa Marawi City at sa halip, magiging hudyat lamang ito upang malagay sa alanganin ang buhay ng mga inosenteng sibilyan.

Paliwanag ni Eleazar Carlos, tagapagsalita ng grupong nagtipon sa Quezon Memorial Circle, malak ang posibilidad na gamitin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon upang tuluyang ilagay sa martial rule ang buong bansa.

Nanawagan rin ang grupo sa publikona na maging mapagbantay upang hindi maabuso ng pamahalaan ang batas military na ipinaiiral sa Mindanao region.

Read more...