Sa naturang proklamasyon, isinaad ni Duterte na hindi lalampas sa 60 araw ang bisa ng martial law sa Mindanao.
Ipinaliwanag niya rin na nagdesisyon siyang gawin ito sa buong Mindanao dahil sa pag-atake ng mga teroristang Maute group sa Marawi City noong May 23, kung saan itinaas nila ang bandera ng ISIS sa ilang lugar.
Isa rin aniya itong tahasang pagtatangka na tanggalan ng kapangyarihan ang pangulo sa Mindanao sa pamamagitan ng crime of rebellion.
Binanggit na rin niya dito ang mga karahasang ginawa ng Maute Group noon tulad ng pag-atake sa mga sundalo sa Butig, Lanao del Sur noong Pebrero 2016, at ang mass jailbreak sa Marawi City noong Agosto 2016.