Sa isinampang kaso sa korte, umabot umano sa $3.8 million ang kickback na naibulsa ni Baldetti mula sa mga illegal na transaksyon sa customs mula May 2014 hanggang April 2015.
Nalantad ang eskandalong kinasangkutan ni Baldetti noong Abril matapos ibunyag ng United Nations commission na ang top aide ng dating bise presidente na si Juan Carlos Monson ang nagpapatakbo ng bribery scheme sa customs.
Ang nasabing isyu ang nagtulak kay Baldetti para magbitiw sa pwesto noong May 8.
Inaresto ang dating bise presidente noong Biyernes habang nasa ospital at nagpapatingin dahil sa gastrointestinal at problema sa puso.
Nakakulong ngayon si Baldetti sa military base na pinagdadalhan sa mga high-profile inmates.
Ipinag-utos na rin ng hukom na may hawak ng kaso ni Baldetti ang pagpapalabas ng freeze order sa mga bank accounts nito at ang pag-iisyu ng injunction order sa labingisang ari-arian niya at kaniyang asawa./ Dona Dominguez-Cargullo