Mismong si Pangulong Duterte mismo ang nag-utos kay Philippine National Police (PNP) chief Ronald dela Rosa na magbigay ng tig-P2 milyong pabuya sa makapagtuturo sa bawat suspek na sa ngayon ay at large pa rin.
Ayon kay PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF) head Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, matagal na nilang minamatyagan ang grupo ng pitong pulis Malabon dahil mayroon pa umano itong iba pang mga biktima.
Nakilala ang mga pulis na miyembro ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Malabon police na sina PO3 Luis Hizon Jr., Jovito Roque, Michael Angelo Solomon, PO2 Micheal Huerto at PO1 Ricky Lamsen.
Hindi naman naaresto ang nasabing drug dealer na nagsu-supply din ng droga sa New Bilibid Prison, dahil sa halip na siya ang maging suspek, siya pa ang naging biktima ng mga tiwaling pulis.
Samantala, apat na “ninja cops” na rin sa Malabon ang una nang naaresto sa isang entrapment operation noong Lunes.