SoKor, nagpaputok ng warning shots vs. NoKor dahil sa umano’y ‘drone’ sa border

 

Nagpakawala ng warning shots ang South Korea sa North Korea kahapon, matapos lumipad ang isang unidentified object mula sa NoKor at tumawid sa kanilang border.

Ayon sa pahayag ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea, pinaigting na rin nila ang kanilang air surveillance matapos ang insidente.

Ayon sa Yonhap news agency ng SoKor, nasa 90 machine guns ang kanilang pinaputok sa ere patungong North Korea, lalo’t hinihinala nilang military drone ang tumawid sa kanilang border.

Gayunman, wala namang inilabas na pahayag ang North Korea tungkol dito, at hindi rin naman gumanti ng putok ang nasabing bansa.

Read more...