Ayon kay ni lt. Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division, ito ang dahilan kung kaya nagsagawa sila ng operasyon dahil nasa lugar umano ang high value target na si Hapilon.
Umaapela ang pamunuan ng AFP Western Mindanao Command sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling balita kaugnay sa umanoy pag atake ng ISIS inspired na Maute Group sa Marawi.
Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay, spokesperson ng AFP Wesmincom, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulis sa lugar dahil sa natanggap na ulat na mayroong remnants ng Maute ang nasa lugar.
Gayunman may mga sympathizer umano ang teroristang grupo na tumulong sa kanila.
Ayon kay Petinglay hindi totoo na nasa 250 hanggang 300 na Maute members ang nakakasagupa ng pamahalaan kundi nasa sampu hanggang kinse lamang.
Pinabulaanan rin ng mga otoridad ang ulat na nilusob o inokupa ang isang ospital sa lugar, maging ang pagsunog sa isang kulungan.
Gayunman, totoo anila na nagkaroon ng pagpapaputok sa isang ospital na ginawa ng mga bandido bilang diversionary tactic.