Sa kaniyang inilabas na pahayag, nilinaw rin ni Arevalo na hindi ISIS, kundi pawang mga local terrorist group ang kanilang nakasagupaan.
Iginiit din niyang hindi totoo ang mga umano’y “eyewitness account” na nakubkob ng mga teroristang grupo ang Amai Pakpak Hospital at na nabihag ang mga tao doon.
Hindi rin aniya totoo na nakubkob ang Marawi City Hall, at ang mga narinig na palitan ng putok ay pawang mga diversionary tactics lang ng grupo para hatiin ang atensyon ng mga sundalo.
Dakong alas-2:00 ng hapon ng Martes, nang magsagawa ng operasyon ang mga sundalo sa Brgy. Basak, Malutlut sa Marawi City dahil sa mga impormasyon tungkol sa presensya ng mga terorista doon.
Sinalubong aniya sila ng putok pagdating pa lang ng mga sundalo sa lugar.
Sa ngayon, patuloy pa rin aniya ang mga follow-up operations ng kampo ng gobyerno, ngunit hindi na sila makapagbibigay ng iba pang detalye tungkol dito.